Friday, August 28, 2009

TAMBAY


Madaming tambay sa kanto. Ang iba diyan titulado ngunit nahihirapan pa rin maghanap ng trabaho. Ang iba naman talagang tamad maghanap ng mapapasukan, kuntento magbilang ng poste, tong-its sa kanto at magpalipas ng oras sa inuman.

Minsan na akong naging tambay sa Pilipinas. Umaasa lamang sa magulang, umaasa sa perang iaabot nila. Dahil sa hirap maghanap ng trabaho sa atin napilitan akong lumuwas. Tumulak sa gitnang silangan na ang baon ay lakas ng loob at pananalig sa Diyos.

Mukhang pera ba ang dapat na itawag sa akin? Ako'y nangangarap ng magandang kinabukasan, pinagsisikapan abutin sa malinis na pamamaraan. Wala kaming inaapakan na tao sa desisyon naming maging OFW, pero bakit ang iba tawag s amin mukhang pera?

Aakuin ko ang maging mukhang pera kung ibig sabihin nito kami ang lakas ng ekonomiya ng bansa, kung ibig sabihin nito isa ako sa tumutulong para umunlad ang Pilipinas. Aakuin ko ang matawag na mukhang pera kung nangangahulugan ng magandang bukas para sa buong angkan namin.

Alin ang mas mahalaga? Nasa sariling bayan na pasanin ng pamilya o nasa ibang bansa nagbibigay suporta sa knila?

8 mga saloobin:

bizjoker-of-the-philippines said...

Nice..yan ang entry..may saysay!
mabuhay ka len!

Len, may nag iwan ng message sa Chat box ko..nagpapalinawanag pa yung tao! tao ba yun?
Sa presinto sya magpaliwanag.

Ano sya ngayun haaaa! parang kang pusang gala..

batang'henyo said...

apirr!!! nice post, magkasangga tayo jan!

kampay!

JETTRO said...

korek yan kaisa ako jan
mabuhay ang mga ocw.

SEAQUEST said...

NIce one kuya, at cia ay nagbalik dahil sa isang balahurang walng pakundangan..Basta ako, anuman ang dahilan ng bawat ofw tiyak may saysay...sama ko jan ng 99.99%..Godbless

A-Z-E-L said...

"nice one KUYA" lolz!

basta ang mahalaga.. kahit panay ang hablot natin sa pera mapangalagaan natin ang ating pamilya!

laban OFW...

ihanda ang mortar!

chikletz said...

uy may bagong post na sya :D

tama yan! mabuhay ka! mabuhay ang mga OFWs!

bizjoker-of-the-philippines said...

ang daming sumusuporta, lensz.
Sayo at sa blog mo...

basta pag nanghingi nga support for noble cause, walang iwananan..

Dhianz said...

ahlab wat u said... proud akoh sa inyong mga OFW =) ingatz lagi.. Godbless! -di